Monday, October 10, 2011

The City of Majestic Waterfalls

The City of Majestic Waterfalls
ni Sharafoden Balt Amor

http://i.pbase.com/v3/43/389743/1/50813990.IliganCityHall.jpg
Larawan ng City Hall ng Iligan

Ang lungsod ng Iligan ay matatagpuan sa gitna ng mayaman sa likas na kagandan ng Hilagang Mindanao. Ang lungsod ay tunay na biniyayaan ng Inang Kalikasan. Ang lungsod ay may taglay na natural na proteksyon sa mga bagyo at natural na phenomena; ang lupain nito ay malawak at may mahabang  baybayin kasama na ang look ng Iligan.
Ang lungsod ng Iligan ay binubuo ng mga Maranao, Kristiyano at mga Lumad katulad ng mga Higaonon. Kahit magkakaiba man ang paniniwala ng mga ito masasabing nagkakasundo ang mga ito dahil makikita ang pag-unlad ng lungsod. Dumarami ang mga namumuhunan ng mga negosyo sa lungsod dahil sa nakikitang kaunlaran nito.


             
maria cristina falls
Maria Cristina Falls ang isang pinagkukunan ng Elektrisidad ng Lungsod

Ang mga kabundukan nito at mga kagubatan ang pumapaligid sa mga magaganda nitong Waterfalls. Ang lungsod ay binansagang The City of Majestic Waterfalls sapagkat ito ay binubuo ng dalawampu’t-isang magagandang Waterfalls, ang mga ito ay pinangungunahan ng Maria Cristina Falls, Mimbalot Falls, Tinago Falls, Limonsudan Falls, Dodiongan Falls at marami pang iba.

             
http://i.pbase.com/t1/43/49643/4/103814100.bt1Nx1bd.jpg
Ang pagbaba sa Rebolto ni Sr. San Miguel

            Tuwing ika-29 ng Setyembre ay pinagdiriwang ang kapistahan ng mga taga-Iligan ang kapistahan ni San Miguel.  Ang boung buwan ng Setyembre ay ipinagdiriwang ng lokal na gobyerno ng Iligan ang kapistahan. Tuwing-27 na Setyembre matutunghayan ang Kasadya Street Dancing ito ay nilalahokan ng mga iba’t ibang grupo mula sa mga barangay, paaralan at mga karatig na mga munipisyo. Sa araw ding ito ay ginaganap ang pagpili sa Ms. Iligan ito ay sinasalihan ng magagandang dilag mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod ng Iligan.
            Maari ring magpunta sa iba’t ibang kainan na matatagpuan sa lungsod kung saan matitikman ang iba’t ibang masasarap na pagkain, ito ay ang mga sumusunod:

MGA KAINAN:
SUNBURST FRIED CHICKEN HOUSE
T. Badelles St., Mahayahay, Iligan City
Tel. No. (063)221-3401; 221-2559

BREWS ALMIGHTY COFFEE SHOP
Michaela's Plaza Tibanga Highway, Iligan City
Tel. (063)221-3836

CHOWKING
Gen. Aguinaldo St., Iligan City
 Tel. (063)221-9548, Fax (063)223-9487
GAZPACHO'S FOOD HOUSE
City Hall Drive, Pala-o, Iligan City
Tel. (063)2215215

FONTINA CAFE
Padilla Bldg. Andress Bonifacio Ave.,, Tibanga Highway, Iligan City
Tel. No. (063)221-6312, Cel No. 09175492564
E-mail: fontinacafe@gmail.com

PAENGS' GRILL & RESTOBAR
Quezon Avenue Ext., Iligan City
Tel. (063)221-8977

ARUMA COFFEE LOUNGE
Preface Building, De Leon Corner
Burgos St.,Iligan City
Tel. (063)221-7913

BELLA'S CHICKEN ATI-ATIHAN
Pryce, Tubod Hi-way
Iligan City

CHRISVEN RESTAURANT
Juan Luna St., Iligan City
 Tel. (063)221-6403
JOLLIBEE
Roxas Avenue, Iligan City
Tel No. (063)2231540

JOLLIBEE
Tibanga Hi-way, Iligan City
223-0579

TATAY'S GRILL
Tambo Hi-way, I.C.
Tel. (063)221-1740

ZOEY CAFE
Aguinaldo St., Iligan City
 Tel. (063)2212876 
KUZINA ILIGANON
Tibanga Hi-way, Iligan City
Tel. (063)221-2876; 221305513055

ENANG'S GRILL & SEAFOODS
National Highway, On the side of Madulog Bridge,
Sa harap ng HILTON Motors, Iligan City
Tel. (063)225-0588

RENZ GRILLE CENTRAL
Located at corner Ramiro-de leon st.,, formerly XRG hardware
Tel No. (063)221-5780

MANG INASAL
Located at Gaisano Mall, Villaverde, Iligan City

SIO-NGO FASTFOOD
Located at near Standard Blue Printing, Quezon Avenue, Iligan City
Tel. No. (063)221-4288

PAPA MAI'S GRILL
5-A Alcuizar Avenue, Tubod, Iligan City
Tel. No. (063)223-0423


TITA FANNIE'S LIEMPO & CHICKEN HAUS
Zamora St.
 Pob., Iligan City
Tel. No. (063)2231899

McDONALD
Gaisano Mall, Villaverde, Iligan City

MADELICIOUS NATIVE FOOD
San Miguel Street, Poblacion, Iligan City
Tel. No. (063)2219183

KYLA'S BISTRO
Quezon Avenue, Iligan City
Tel. No. (063)221-5877

AMOREL CAFE
Quezon Avenue, Iligan City

RED PLANET GRILLERS
The Strip (Calda Pizza), Pala-o, Iligan City

HOYOHOY RESTAURANT
Dalipuga, Iligan city

BIG DIPPER
Quezon Avenue, Iligan City
Tel No. (063)221-2665/(063)2213920
K-ZELS AVENUE GRILL
Quezon Avenue
 Extension, Pala-o, Iligan City

EL CANTO GRILLE & SEAFOODS HOUSE
Lluch Corner, Zamora Street, Iligan City

DEAR MANOK
Corner Bro. Raymond Jeffrey (La Salle) Road & 
Quezon Avenue Extension, Palao, Iligan City
Tel. No. (063)221-9921

ILIGANON RESTOBAR
Quezon Avenue
 Ext., Pala-o, Iligan City
Tel. no. (063)225-4577

CHOMP CAFE
Quezon Avenue, Brgy. Poblacion, Iligan City

POP ROCK CAFE
Lluch Street, Iligan City
Tel. No. (063) 221-5285

LAI-LAI YEUNG CHOW RESTAURANT
Mariano Badelles Sr. Street, Iligan City
Tel. No. (063) 223-8919

CLUB THIRTY
Natinal Hi-way, Brgy. Bagong Silang, Iligan City

MERRY MUFFET FRIED CHICKEN
Corner Aguinaldo & Agoncillo Street, Iligan City



           
           




                       Maling Akala


Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ng mga oras na yun. Nang huminto na sa pier ang barko na sinasakyan ko, na nasa Iligan City na talaga ako. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. Nandoon na yung takot, pangamba, ligaya pagkamagha dahil nandito ako sa isangbanyagang lugar. Sa pagtapak ko sa lugar ng Iligan Cty may napansin ako agad. Bakit parang busy ang mga tao rito. May naglalagay ng palamuti sa daan, may nagkakabit ng mga baretas, may mga kasiyahan, at makikita mo talaga sa mukha ng mga tao na lahat sila ay maligaya dahil sa nalalapit na kapistahan. Doon ko lang napagtanto ng Piyesta na pala sa lugar na ito. Nagtaka ako, ng tanungin ko ang aking pinsan kung kaailan talaga ang piyesta ang sabi niya 29 pa daw pero bakit may mga ganyan na – itnuro ko ang mga palamuti at bartas na nakita ko sa daan…. Tumawa siya sabay sabing, ganyan talaga rito “ rom” isang buwan kami magdiriwang ng kapistahan at inaalay namin yan sa aming Patron na si SR SAN MIGUEL at may sasabihin kang linya ganito “VIVA SR SAN MIGUEL VIVA!”………. WOW ang saya naman ….

Alam mo ba na ang lugar ng Iligan ay sikat dahil sa napapalibutan ito ng mga falls, narito ang tinago na matatagpuan sa Taytay, Buruun Iligan city…makikita rin sa Ditucalan ang Maria Cristina Falls at dito rin nanggaling ang kuryente….ito ang pinakasikat na talon sa iligan dahil sa angkin nito ang kakaibang ganda, pagnarating ka sa tabi ng talon mawawala nalang parang bula ang lahat ng problema at ang pangamba, ang maiiwan ay ang pagnanais mo pang bumalik sa lugar na ito, kaya nga tinawag ang Iligan bilang “CITY OF WATERFALLS”  mayroon din dito mga kuweba isa na diti ang Indang Cave, diti rin matatagpuan ang mga nag-gagandahan swimming pool, may holiday, delamar, lawis at maraming pang iba..

Ang street dancing yan din ang isa sa pinakahihintay ng mga  tao dahil diyan mo makikita ang mga nagagandahan at mga malikhain mga kasuotan at ang kanilang sayaw.






Andito rin sa Iligan ang sikat ng chedings peanut ang pinakamasarap na mani na kahit sino ay masasarap ta gaganahan ka talaga sa lasa nito.  Matatagpuan din dito ang comtenial o paarke ng iligan city. Napakaganda dito pwede kayo mag picnic o magpahinga dahil napakasariwa ng hangin at napakaganda ng tanawin. Makikita mo rin ang pinakamalaking at pinakamataas na flagpole. Makikita mo rin ang napakalawak ng karagatan. Masasabimo talaga na ang Iliam ay mayroong din likas na yaman na dapat pagyamanin ay siyempre dapat ipagyabang. Ang mga tao dito mababait at palakaibigan, talentado at mahusay umawit at magagaling sumayaw. Marami rin ang mga matatalino na nanggaling sa iba’t ibang paaralan. Sikat dito ang MSU-IIT(MINDANAO  STATE  UNIVERSITY- ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY). May malaking mall, napakagandang simbahan kung saan matatagpuan ang rebulto ni SR SAN MIGUEL, may malaki at maluwag na plaza, kung saan ginaganap ang lahat ng pagdiriwang at ang pinakabago ang Night Market kung saa parang Divisoria kung saan maraming kang mabibiling gamit, damit, laruan at pagkain siyempre mga inumin.
Pinakahihintay ng lahat ay ang mga local na banda\ mag-aawit. Sila kasi ang nagbibigay ng kasiyahan sabi nga ng isang sika ns komendyante na si “Vice Ganda ay Party- party” grabe nanakatuwa talaga .
Ang Mugna o divisoria ng Iligan na kung saan marami kang paglilibangan dito katulad ng mga iba’t igang rides..
Alam nyo ba na maganda din ang likas na yaman dito at maraming mga bundok at malilinis na ilog… sobrang mahal na mahal talaga ng Diyos ang Iligan kaya namin ito inaalagaan..
Akala ko talaga na pangit dito sa Iligan dahil nasa Mindanao ito kabilang… naririnig ko kasi na magulo dito at maraming rebelde. May kidnapped for ransom at iba ay pinapatay na walang dahilan kayat natatakot akong pumunta dito pero nagkamali pala ako ng akala…..sobrang ganda pala dito dahil maraming ako mga kaibigan at sobrang ganda ng mga pasyalan dito….kayat pumunta na kayo dito ay mag-enjoy kasama ng mga kaibigan ninyo….



Isinulat ni:
Gerome cancino
Biyayang Pugad ng Agos at Mapayapang Kalikasan
Ni Jesalyn Lucero Pepito
“Lumabas lang ako upang maglakad at hanggang ako’y nakapagdesisyon na umalis pagkatapos ng paglubog ng sikat ng araw. Sa aking pag-alis, namalayan ko ang aking sarili na nakatayo pa rin at naaaliw sa simple pero may nakatagong hiwagang tanawin”. Gusto kung makadiskubre kaya sabay tayo?
Mula sa tuktok ng isa sa tanyag na bundok ng lungsod ang Bundok ng Agad-agad na dinadayo at ginawang ding adbentura ng mga tao, malapit sa sakahan ng aking Lolo ay tanaw ko ang kasimplehan at kapayapaan ng lungsod sa ibabang dayo. Mula sa ibaba nilibot ko ang aking paningin. Abot-tingin ko ang pagdudugtong ng dagat at langit at naisip ko parang pugad ng ibon ang lungsod na ito kasi napapalibutan ng berdeng kabundukan na nagpoprotekta sa anumang pag-atake ng bagyo at anumang masamang panahon. Pero may hindi pa pala ako nalalaman maliban sa biyayang kagandahan doon na aking natatanaw???
Kabila sa pagiging simple ng Lungsod ng Iligan ay matatagpuan ang iba’t-ibang pangtouristang tanawin at pasyalan na parang sisiw ng ibon na tumatawag, nanghahalina at umaawit ng nakakabighani. Kung dahil sa init ng panahon o summer andoon ang mga parke na nag-aantay na may malalabong dahon ng kahoy na handa kang protektahan sa init ng panahon  isa na rito ang mga Parke ng Centenial, Anahaw Amphi Theater ng City Hall at Maze Park & Resort na madalas pinapasyaalan ng pamilya at magkapareha. Ang lugarr na ito ay tanyag din bilang industriyalisadong lungsod na naging pinagmulan ng trabaho. Hindi lang ito sa pang-industriya kundi ang nakapaligid dito ay  pwede na rin maging pook pasyalan. May mga paliguan din na inaagusan ng malalamig at preskong tubig ang Swimming Pools tulad ng Timoga sa may Brgy. Buru-un at Taytay na may pangbata at pangmatanda sa pinakamurang Entrace Fee lamang. Ang sarap magtampisaw doon at hindi lang iyan pwede ding magkuha ng mga larawan sa mga magagandang anyo ng rebolto. May mga baybaying dagat din na nangangaway ang alon at langhap mo ang preskong hangin upang maligo sa maginaw na tubig tulad ng Adam at Eve ng Samburun, Iligan City at baybayin ng Bucana na maganda ring lugar para magpiknik kasabay ang pamilya o kaibigan man. Gusto mo din bang manood ng klase-klaseng sayawan ito ay ang pinagmamalaking sayaw ng ating kapatid na Muslim ang kanilang “Muslim Ethnic Dance’ na puno ng palamuti at kasuotang Muslim na makukulay at hindi rin patatalo ang ating kristiyanong kapatid sa kanilang talento sa pagsasayaw lalo na sa nalalapit na kapestahan ng mahal na patron ng Iligan.
Ngunit ang pinakanagpapatanyag ng lugar na ito ay ang mga talon at nagbibigay sa ibang katawagan ng Lungsod ng Iligan bilang “City of Majestic Waterfalls” ay ang mga talon na umaabot sa mahigit dalawampu na nakapalibot sa lungsod at naging gamit o pinagmulan ng elektrisidad ng Lungsod ng Iligan. Isa na rito ang talon ng Maria Cristina na naging palatandaan sa pangalan ng Lungosd ng Iligan o naging Landmark na nagmumula sa malakas ng agos ng Ilog Agus. Kabilang pa dito  ang Talon ng Tinago o “Hidden Falls” dahil ito ay napapalibutan ng mga nagtataasang puno na magandang pagkukunan ng mga photograpiya o larawan. Ilan pa sa mga talon ay ang talon ng Mimbalut, Abaga, Dodiongan at marami pang iba.
Hindi lang iyan kung gusto mong mag-shopping o mamimili ng pambaon sa paglalakbay andoon ang Gaisano City Super Mall, Old Gaisano, Unicity, Trendline Iligan at Unitop . Hindi ka rin mahihirapan sa iyong matutulugan pagpunta mo sa aming lugar kasi andito ang malalaking hotel tulad ng Elena Tower Inn, Maria Cristina, Cheradel at iba pa sa murang renta.
Kung gusto din ninyo ng adbentura tulad ng “Mountain Climbing” ay andito ang mga kabundukan ng Bundok Agad-agad na aking kinatatayuan ngayon at Bundok Gabunan ng Rogongon at mga kweba tulad ng Tabunan ng Brgy. Dalipuga at kweba ng bunawan. Kung gusto ninyo rin ng Golf-Course na nagsisilbi rin parang parke dahil sa mga puno ay matatagpuan sa Brgy. ng Tipanoy kung saan ginaganap ang mga Local Tournament. Kapag ikaw naman ay umakyat sa bundok ng Tipanoy ay makikita mo roon ang mga matataba at mahalimuyak na mga bulaklak na magandang pambigay sa iyong kapartner, kaibigan at pamilya.Hindi lamang mga bulaklak kundi ang mga preskong gulay at prutas na maganda para sa ating katawan.
Kabila sa magagandang pook pasyalan ay nandoon din ang produktong Iliganon na nagpapagana sa kainan at salu-saluhan tulad ng Sukang Pinakurat at malulutong na letsong baboy ng Lungsod ng Iligan na ipinagdiriwang na din sa buwan ng Septyembre kasabay ng Diyande festival ng kapistahan ng mahal na patron.
Sa lahat-lahat ng magaganda at biyaya ng Ating Panginoon na isa sa pinagmamalaki ng Lungsod ay ang pagkakasunduan at pagkakaisa ng lahat ng taong nanirahan doon anumang epiko ka nanggagaling at ang mainit at maalaga na pagtanggap ng mga kaibigan o dayuhan sa aming lungsod. Makikita iyan sa pagkakaisa lalo na sa panahon ng kapestahan ni Sr. San Miguel. Wala paman ang pagsapit ng kapestahan may iba’t-iba na ang programang ginaganap tulad ng Mugna na para na ring Disneyland ng Honkong na may nakakaaliw na mga sasakyan. Nagkasundo-sundo ang mga tao dito at nagtutulungan. Ito ang Lungsod ng Iligan matatagpuan sa dapit ng Northern Mindanao ng Pilipinas.
Para sa akin wala ng makakahigit pa sa Lungsod Ng Iligan o City of Majestic Waterfalls bilang dayuhan o pook pasyalan. Dahil maipagmamalaki kung ireprsenta dahil sa makamura, nakatipid ka pa ay masusulit at hindi mo pa makakalimutan ang iyong experience sa pagbisita ng aming lugar. Kayo ano pa ang inihihintay ninyo? Silipin niyo rin ang nakatagong kagandahan ng lungsod ng Iligan at dalawin ang nanghihikayat na sisiw ng ibon sa loob ng pugad.

Ito na nga ang pinakahihintay ko na aming makikita mula sa pinakatuktok na bundok na malayang masilayan namin ang nakakaabang na pangyayari.Langhap ko pa ang kapreskuhan dito at kapayapaan.Paglubog ng araw ay nakita namin ang buong kapaligiran na dahan-dahang lumiwanag sa kagandahan.
Halina kayo sa Lungsod ng Iligan!!!







                                                      Tuklasin at Silipin ang Ganda nang Iligan City
                                                                  Ni: Analiza Macapil Telmoso

                                            Silipin natin ang nakatagong ganda nang iligan city.Alam ko na narinig na ninyo kung gaano ka ganda ang iligan city pero ang tanong. Naka punta na ba kayo sa lungsod na ito? Kaya ating tignan kung gaano ka ganda ang mga tanawin dito gusto kung e hatid sa inyo kung ano ang nasa lungsod na ito at kung bakit binabalikan ito nang mga tourista.  
                                            Ang lungsod nang iligan ay binubuo nang 44 na baranggay at may lawak ito na 813.37 at may populasyon na 318,040 na .Kung ang mga pinaka magagandang talon lang ang pag uusapan ......OpsSsSsSs ! ! ! hinga muna kayo nang malalim alam kung mababaliw at mamamangha kayo sa ganda nang mga talon na ito sa unang yapak mo palang mapapatalon ka na sa ganda bukod dito makikita mo ang mga magagandang bulaklak at mala bahagharing paro-paro na lumilipad sa mga bahagi dito at ito ang “Maria Cristina Falls”. 



                                                    

                                                At ang pangalawa ay ang “Tinago Falls” may 300 step staircase ito hindi pa lang kayo aabot sa 300 step staircase sa paglalakad niyo huhubog at gaganda na ang katawan niyo hahahah! ! ! pero sa sinabi kung gaganda at huhubog ang inyong katawan alam kung hindi niyo na papalampasin ang 300 step staircase sa talon na ito OpsSsSsSsSs! ! ! teka lang kaw ha gusto mo na kaagad patungo sa lungsod nang iligan  hehe...... pero tika lang balik na muna tayo sa mga tanawin dito sa talon na ito bukod sa 300 step staircase may landscape at zoo park pa rito na napapaligiran nang magagandang punong-kahoy na punong-puno nang mga kumikislap na kulay berde dahon 
                                               At ang pangatlo ay ang “Mimbalut Falls”. Ang mimbalut falls naman ay ang pangatlong dinadayo nang mga tourista dito sa lungsod nang iligan  makikita dito ang mga malalaki at maliit na bato.Sa mga talon na nabanggit ko ito ang mga talon na kadalasan pinupuntahan nang mga tourista may 20 talon na makikita dito sa lungsod nang iligan.
                                               Nais ko rin ipaalam sa inyo na may malalamig din na spring na makikita dito sa lungsod nang iligan ito ay ang “Timoga Spring Pool”.nais ko ipaalam sa inyo na kung kayo ay makakaligo sa spring na ito sa unang hawak mo palang siguradong mapapanginig ka na sa lamig nito dahil bukod sa malamig malinis na malinis pa ang tubig dito. At kapag na abot niyo na ang tok-tok nang mt.agad-agad mapapa-indak kayo sa tuwa dahil sa parang nasa langit kana makikita mo pa ang buong lungsod nang iligan city na napaka ganda dahil sa mga magaganda tanawin dito. 
Marami rin mga restaurant na makikita dito sa iligan city masasarap na pagkain ang makikita dito sa Kusina Iliganon at Gazpachos restaurant  at syempre ang masarap na handa nilang fried chicken na paborito nang mga bata at syempre paborito ko ang Jollibee at meron din Mc Donald at red riboon. At kung gusto mong mag paka lasing hehehe may bar din kami na sikat dito ang Twilight, El Centro  at  Kyla’s Bistro. At kung gusto mong kumain na ang gamit ay kamay lang subukan mong pumasok at tumikim sa masasarap na ulam sa “INASAL” siguradong  mapapalundag ka sa sarap.
                                At hindi lang mga talon, spring at magaganda restaurant  ang makikita niyo dito sa lungsod nang iligan.Pag nakita niyo na ang aming malaking parke tiyak na babalik- balikan niyo ito sa pagkuha nang mga litrato dahil sa angking ganda dito sa lugar na ito.
                                      Marami rin planta na naka tirik dito sa lungsod nang iligan isa na dito ang pinag-tatrabahoan nang aking ama ang “Fel-Eslon” gumagawa ito nang mga tubo malalaki man o maliit ang sukat nito.Ang “ICC at Holcim” na gumagawa nang produkto semEnto dito sa lungsod nang iligan.Ang “National Steel Corporation” na tagagawa nang mga bakal at ang Pilmico na ang gumagawa nang produktong flour.                                      
                                                                                                                                                                                                                         
                                      Kaya kung ako sa inyo punta na at silipin ang  lungsod nang iligan para matuklasan niyo kung gaano ka ganda ang lungsod na ito  at matikman niyo ang init at lamig sa araw nang iyong pag lilibot  siguradong hindi na kayo uuwi at malilimutan niyo na kung saan kayo nang galing dahil sa ganda at sa mahalimuyak na hangin hatid nang mga magagandang tanawin dito sa lungsod nang iligan. 

                                              So....kayo ano pa hinahanap niyo tara na  Tuklasin at Silipin ang Ganda nang Iligan City.