Thursday, October 13, 2011

Biyahe na! ni Saniah HAdji Manan

Biyahe na!
ni Saniah A. Hadji Manan
            Bawat lugar dito sa mundo ay may iba’-ibang kagandahan. Iligan City - “The City of waterfalls”. Alam ba ninyo na kong bakit tinawag na “the City of waterfalls” o Lungsod ng mga Talon? Hindi rin yan makikita, marami pang iba na dapat ninyong malaman o matuklasan tungkol sa lungsod ng Iligan. Kaya ano pa ang hinihintay niyo. Beyahe na!
            Ang Lungsod ng Iligan ay binubuo ng apat na po’t apat na Barangay. Marami din ang mapapasukan na paaralan sa Elementarya, Hayskul at Koliheyo. Ito may Pribado at publikong paaralan. Mayroon ding iba’t ibang pasyalan o mapaglibangan katulad ng mga beach, park at falls at iba pa. Kung sa pagkain naman, maraming prutas na mapagpipilian. Pagpumasok ang buwan ng Setyembre, Marang ang pinakasikat na prutas. Mura lang ang mga bilihin dito sa lumngsod ng Iligan tulad ng prutas, gulay at iba pang prudukto. Tslgsng hindi ks msgsisisi kung sa pagbisita dito. Ang mga tao ay nagkakaisa. Muslim, Kristyano at Lumad ka man ay nagiging tunay na magkapamilya dit sa Lungsod na ligan.
            Kung gusto ninyong pumunta dito para mamasyal. Marami talaga kayong mapagpipilian na magagandang lugar na gusto niyong mapuntahan. Bawat Barangay dito ay may angkin yaman o pinagmamalaki ng mga tao. At tuwing sasapit ang Fiesta. Ang Lungsod ay napakulay dahil sa mag palamuting nakasabit at mga karatula sa mga poste para maingganyo ang mga mamimili at higit sa lahat kayong mga taong hindi pa nakakapunta dito sa Lungsod ng Iligan. Ang buwan kung saan ipinagdiriwang ang Kapistahan ay kadalasan sa Buwan ng Setyembre, ika-29. Ang mga taong nakatira dito ay hindi mawawala sa kanilang isipan na maghanda ng iba’t ibang pagkain o letson at iba pa. Dahil ang mga tao dito ay mababait sa kani-kanilang kabit-bahay, katrabaho, kaibigan, kamag-anak o kahit kamag-aral ka pa nila ay taus-puso kanilang iimbitahin sa kanilang tahanan upang mapagsaluhan ang kanilang handa. At kung gusto mo ring mamasyal tuwing gabi marami talaga ang mapaglilibangan dahil maraming lugar na maaaaring puntahan. Katulad sa Mugna na maraming mga pagkain, mga iba’t ibang klaseng damit na pwedeng bilhin at ang palaging pipuntahan sa lugar na ito ay yong mga sasakyan na pambata at pangmatanda o tinawag na Piriyahan. Pag nagsisimula na ang Piriyahan, ang unang araw na magbubukas ang lahat ng mga sasakyang pambata at pangmatanda ay libre ang ito. Sa Plaza, Nightmarket naman ang pwedeng puntahahn ng mga tao. Ito ay katulad sa Mugna pero walang mga sasakyang puwedeng sakyan ng mga tao. Pero may mga bandang kumakanta at nagsasayawan. Ang mga tao ay hindi natatakot na mamasyal dahil ang paligid may mga pulis na nagbabantay sa bawat sulok ng lugar.  Ito ay tinawag na “Diyandi Festival” karaniwang ginagawa ng mga Kristyanong katoliko ay nagsisimba at hinihintay kung kalian baba si Senior San Miguel. Ang tawag sa Patron nila.


Gayunpaman, may mga bahagi rin ang Kasadya o Street Dancing. Marami rin ang nanonood dito dahil sa magagaling ang mga kalahok. Ang mga sumasali dito ay galing sa lugar mula dito sa Lungsod ng Iligan, Lanao del Norte, Lanao del Sur at iba pang luagar dito sa Mindanao. May iba’t ibang paligsahan na maaliw ka talaga tulad ng pagandahan ng Kalesa, pasarapan ng Letson at iba pa. Mayroon ding paligsahan para sa mga babaeng matatalino at magaganda. Ito ay ang Binibining Iligan o“Miss Iligan”. Marami rin ang pumupunta dito na mga artista dahil sa gustong mapanood ang mga magagadang pangyayari na nagaganap dito.


Sa bahagi naman tayo ng mga talon, ang Talon ng Maria Cristina. Ito ay yaman ng Lungsod ng Iligan dahil sa kagandahan ng paligid nito at nagbibigay ng Elektrisidad na nakatutulong sa maraming tao. Dahil rin sa Kagandahan nito maraming turista ang dumadayo rito upang matuklasan ang taglay nitong kagandahan. Bukod sa kagandahan nito mainan na dito rin mamasyal ang inyong pamilya dahil para ka nang pumunta sa ibang lugar at mura pa ang pamasahen at higit sa lahat makakasulit ka pa. Dahil sa kahabahan ng hagdanan patungo sa pinakatuktok upang makita ang kagandahan ng sinasabing talon. Makakabuti rin ito sa atin katawan kasi ang paglalakad nakakatulong upang lumusog ang ating katawan at para kanang nag-eehersisyo. At maraming punong-kahoy ang makikita mo rito upang hindi ka na maiinitan sa sikat ng araw. Ang talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Barangay ng Maria Cristina.    Dumako naman tayo sa Talon ng Tinago. Ito ay masarap na paliguan dahil sa napakalinaw ng tubig na ito. Naiingganyo ang mga tao na pumunta dito dahil tahimik at makakapag-isip ka ng maayos na makakatulong sa iyong problema. May mga artista ang pumpunta dito dahil upang gumawa ng eksena para sa gagawing Pelikula. Tulad nilang KC Concepcion at Sam Milby na dito nila ginawa ang magagandang eksena sa kanilang Pelikulang na “Forever and a Day”.


Nabanggit ko na ang mga paliguan. Masarap din na maligo sa Timoga kung saan dito makikita ang mga paliguan tulad sa Holiday, Spring, Dela Mar, at Mimar’s. Kung gusto ninyo naman maligo sa dagat andyan din ang Bucana Beach at iba pa. Madami talaga ang mapagpipilian na paliguan dito sa Lungsod ng Iligan. Kung gusto niyo naman umikut-ikot sa paligid para makita ang kagandahan ng Lungsod o ang Lawak nito para madali niyo itong makita. Marami ang bundok rito, tulad ng Bundok ng Agad-agad na makikita mo ang lawak at ang buong Lungsod ng Iligan.


Kaya mahalaga na dapat makita natin ang kagandahan ng isang lugar upang malaman natin kung ano taglay ng isang lugar. Kaya sa lahat ng lugar na nabanggit ko. Patunay yan na dapat talaga na puntahan ang Lungsod ng Iligan dahil sa yaman nitong taglay. Sa mga oras na ito, napapaisip ka talaga kung saan mo gustong pumunta at mamasyal.