Tuesday, October 11, 2011

TAYO NA’T PUNTAHAN ANG ILIGAN CITY! ni: Almairah S. Pundato

TAYO NA’T PUNTAHAN ANG ILIGAN CITY!
ni: Almairah S. Pundato

            Nais mo bang masaksihan ang taglay nakagandahan ng Iligan City? Lahat tayo ay sabik kapag tanawin ang pinag-uusapan, lalo pa’t ang ating bansa ay patok sa mga magagandang tanawin.Isa na dito angIligan City, taglay nito ang malakas na daloy ng tubig at mga preskong bukirin kung kayat saksihan natin ang kaakibat na ganda ng tanawin ng Iligan City.
            Ang Iligan City ay pawang maliit lamang ngunit kung mararapatin, ito’y isang bagay na dapat ipagmalaki sapagkat taglay nito ang maaliwalas na tubig, mga matatayos na bundok at mala paraisong tanawin. Ito’y isa sa mga kadahilanan kung kaya’t dapat ipagmalaki ang Iligan City.
            Marami na ang mga pagsubok na dinaanan nitong bayan nguni pinatunayan lamang nito na kahit anumang pagsubok ang dumaan, nanatili itong matibay at patuloy na umuunlad.

            Ako ay isang dayo lamang dito sa Iligan City at dito ko napatunayan ang mga haka-haka ng aking mga kababayan na talagang maganda daw ang lugar na ito.
            Sa totoo lang, paglapag pa lamang ng bus na aking sinasakyan galing sa aking lugar papunta rito, wala akong napansing kakaiba sa lugar at kung ikokompara ko sa lugar na aking pinanggalingan, mas masasabi kong lubhang maganda iyon kaysa rito sa Iligan City. Mas malalaki ang mga gusali, mas malalapad ang mapagpasyalan sa loob ng siyudad. Kaya yun, sabi ko sa sarili ko, “ ito na ba ang sinasabi nilang maganda? Anu ang maganda dito ngayun na andito na ako mismo?...Chuvaek’ekan! Harrr! Kacheapan!..haha! Ngunit sa panahong iyon, hindi ko pa lubos na pagtanto ang mga lugar dito sa Iligan City kaya ganuon na lamang ang aking naging reaksyon. Ikanga, “AngUnangImpresyon, ay hindi magtatagal”. Dahil nang naglaon, unti-unti kong nadidiskubrihan ang taglay na kagandahan nitong Iligan City.
            Nang minsa’y ako’y isinama ng aking kaibigan upang dumalo at makisaya sa kaarawan ng kanyang binatang pamangkin, sa lugar kong saan sinasabi niyang magandang lugar pasyalan.


Ako’y nasabik sapagkat, sa unang pagkakataon, masisilayan ko ang isa sa mga pasyalan dito sa Iligan City. Hindi ko inaasahang ganun pala kaganda ng TINAGO FALLS. 



            Ang Tinago Falls ay sadyang nagtataglay ng mala paraisong kagandahan na nanghihikayat sa ating lahat upang ito ay puntahan. Ito ay nakatago sa lilim ng kagubatan na kailangan mong lakbayin ang apat naraan at dalawamput hakbang upang marating ang mala engkantadang tubig na dumadaloy mula sa kabundukan.
            Kung ito ay abot tanaw niyo na, kaya mo bang tanggihan ang umaasol at mala yelong lamig ng tubig na para bang tinatawag ka papunta rito?
            Tulad ko, ako’y namangha at di ko napigilang tumalon, dinama ang lamig ng tubig at preskong amoy ng gubat sa paligid nito.
            Maganda talaga siya, isa lamang ako kina Sam Milby at KC Concepcion na nakaranas sa tinatagong ganda ng Tinago Falls.
            Gusto niyo rin bang masaksihan, madama, at makita ang taglay nitong ganda? Anu pang hinihintay niyo? Ito’y puntahan na!..
            Nasaksihan ko narin ang gandang MARIA CHRISTINA FALLS na siyang pinanggagalingan ng kuryente. Ito raw ang pinakamagandang talon sa lahat ng talon dito sa Iligan City. Ito rin ay pinakatagang Ina ng Industriya at pinagmulan ng kaunlaran dito sa Iligan City  kung  kaya’t ganuon na lamang ang pag-aalaga nila rito. Bukod sa maganda na, nagbibigay pa ito ng kapakipakinabang sa kabuhayan ng mga Iliganon. Ito ay pinalawak pa nila at tinayuan ng mga pasyalang pampamilya na pwedeng libangan. Isa narito ang Zipline, na siyang nagustuhan ng mga dayuhan at binabalikbalikan rito.
            Kung swimming pool naman ang pag-uusapan, hindi magpapatalo angTimoga Swimming Pool na dito lamang sa Iligan City matatagpuan . Isa ito sa mga magagandang tanawin na makikita dito sa Iligan City, na kahit yung mga kalapit na lugar dito at mga turista na nanggaling pa  sa ibang bansa ay naiingganyo na magpunta rito. Bukod sa magagandang tanawin na makikita mo sa loob nito, magugustuhan mo ang natural na daloy ng tubig na nagmula pa sa bundok na napapaligiran ng mga paliguan.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni Patron Senior San Miguel, ang Diyandi Festibal ang nangunguna sa kasiyahan. Iba’t ibang patimpalak ang sinasaulog, iba’t ibang aktibidad ang ginaganap. Maraming artista ang dumadalo para makisaya sa nasabing festibal. Hindi mawawala ang inuman at sayawan sa tuwing ito ay ipinagdidiriwang. Bukas rin sa publiko ang tinatawag na Mugna, na siyang tinayuan ng iba’t ibang karnibal upang aliwin ang mga bata,  isang buong pamilya, magkasintahan man o di kaya’y matanda na filing bata. Sa paligid nito ay punong iba’t ibang tinda mapa-pagkain man o kagamitan o di kaya’y mga laruan. Ngunit ito ay tuwing Setyembre lamang sa pagsasaulog ng kapistahan nitong Iligan City.
            Nakakamangha talagang isipin na sa lugar nitong Iligan City makikita ang lahat ng yun. Sa liit ba lamang ng lugar na ito hindi mo akalaing nandito na lahat ng gusto mo. Mapaglakbay ka mang tao o di kaya’y sosyalero/ sosyalera ka, TAYO NA’T PUNTAHAN ANG ILIGAN CITY!... Hindi ka magsisisi!