Monday, October 10, 2011


Halina! Tuloy Kayo sa Paraiso Ko at Iabot Mo sa Mundo
Ni: Rod Kitcheff Bernido Agad

Maria Cristina Falls.jpg                                       Statue of Liberty ng Amerika, Great Wall ng Tsina at Maria Cristina Falls ng Pilipinas? Ay! Iligan City pala ng Pilipinas. Iligan City? Oo, Iligan City. Kadalasan pagnarinig natin ang salitang Iligan, ang una’t-unang tumatak sa isipan ng mga tao....ay Eh... kaguluhan, giyera, o patayan kasi sakop ito ng Mindanao, di ba?. Pero ang hindi nila alam na may kapayapaan at pagkakaisa naman.  Gusto niyong malaman, ano?? Hehehe. Halina! Tuloy at samahan niyo akong maglakbay at alamin ang nakatagong lihim sa paraiso ng Lungsod ng Iligan.
                                       Hindi nga siguro ito maitutturing na “Love at first sight”. Kasi  pagsulyap pa lamang  sa Iligan, makikita ang walang katulad na kagandahan. Ang mala paraisong Lungsod ng Iligan, hindi ka maniniwala sa una, hanggang sa mamamangha ka na lamang bigla at tuluyang maiinganyo sa mga palakaibigang ngiti ng mga Iliganon. Para sa mga manlalakbay na may limitadong oras at pasensiya, pwedeng-pwede ka rito sa “Maria Cristina Falls”, kung saan nanggagaling ang elektrisidad ng Iligan. Dito pa lamang para kanang nakapunta sa Luzon, pagkakita mo sa  kanilang Nature’s Park, masisindak ka na sa nagtataasang “Ostrich” sa kanilang Ostrich Farm, mga animoy patay na buwaya na nakakatakot tingnan, at mapapatakbo ka pagnarinig mo ang mga putak ng mga pabo. Habang ika’y tumatakbo sasabay naman ang paru-paro sayo at dadalhin ka nila sa kanilang kaibigang unggoy, na siya ring magdadala sayo patungo sa bulwagan. Ang akala mo siguro’y natapos na ang iyong paglalakbay, ano? Oops! Hindi pa... Nandiyan pa ang makasaysayang talon, ang “Maria Cristina Falls”. Oooh! Makasaysayan talaga dahil Spanish regime pa kaya ito na diskubre. Well, at kung ikaw ay pagod sa mahabang paglalakbay, eh! di dito lulunurin ang iyong sarili sa parang yelong tubig, magpanginginig ng buo mong katawan sa sobrang lamig. At siguradong tanggal ang pagod mo! Kung hindi ka pa kuntento, magpunta tayo sa Timoga Swimming Pool. Hindi lamang mala yelong tubig ang maramdaman mo, pati rin ang natural nitong tubig na na naggagaling pa sa kabundukan. See? Hindi chlorinated ito ha! Habang aksaya ka sa abot tanaw na kakaibang kagandahan ng pool ng Iligan, malalanghap mo naman ang sarap ng litson baboy at manok rito na napakasarap isawsaw sa sukang pinakurat. Hehehehe Nakagugutom na usapan, pero delicacy iyan. Di bali nga, hindi lang naman iyan eh ang delicacy ng Iligan may cheddings peanut rin na malalasahan mo talaga ang natural na peanut, meron ding gawang herbal na pagkain na makikita mo lamang sa mga masasarap na restaurant rito may Kusina Iliganon – Sutukil, at may pang worldclass pa ang Jollibee, Mc Donalds, Greenwhich, Red Ribbon at ang Mang Inasal kainang pangkamay lamang. Hehehehe. Hindi lamang pang-umaga ang libangan rito may panggabi din tulad ng mga bansag na bar rito: ang Twilight, El Centro, Kyla’s Bistro at iba pa na hindi lamang nagbibigay ng serbisyong pangkalidad at may seguridad din. Meron ding Night Cafe rito, na kung saan dadagsain talaga tuwing biyernes at sabado. Hindi lang kasi kasiyahan ang makukuha mo rito, pati rin realidad ng buhay kasi matuto ka kasing magbudget ng pera. Hehehe Unbelievable noh? Pero totoo iyan. Anong masasabi mo ngayon? Paraiso ano?! Hehehe. Well, hindi pa rin tayo tapos mamasyal kasi nakaligtaan ko kasing banggitin ang Mt. Agad-Agad, isa sa pinakapatok na scenic spot din rito, kasi pag-akyat mo pa lamang rito para ka na kasing umakyat sa Mt. Apo. Hehehe. Totoo iyan! Halika nga simulan natin para maabot mo ang tuktok at saka makita mo ang buong Iligan City. Hindi lang iyan, pwede ka ring maglaro ng habulan at military na gawain. Halika! Laro na tayo.
                                       Alam mo bang dinadagsa din ng mga dayuhan ang Iligan tuwing Setyembre taon-taon. Bakit? Dahil kaarawan kasi ito ng Iligan City. Hindi lang ang Patron na si Sr. San Miguel ang kanilang pinupuntahan rito pati rin ang Street dancing na mas kilala na Diyandi Festival. Patok din ang Carnival rides rito na tinaguriang “Mugna”. Hindi lang rides ang nandito pati na ang iba’t ibang palamuti na nanggagaling pa sa ibang sulok ng Mindanao. So, ikaw nakapunta ka na ba? O nakisabay ka ba sa mugnagers? Hehehe. Kung hindi pa halina!
                                       Oh my! Nakalimutan kong sabihin na na Lungsod ng industrial center din ang Iligan City. Bakit? Kasi isa din sa pinanghuhugutan ng yaman sa paraisong ito ang planta rito kasi nga worldwide ito. Tulad ng Transco na tinatawag noon na National Power Corporation isa sa sa pinakamalaking distributor ng kuryente at sila ang nagpapailaw sa buong Mindanao at pati rin sa Visayas. Ang Holcim din at ICC ay kilala sa kanilang produkto na simento. Ang Pilmico naman ay kilala sa kanilang produkto na flour at producer feeds. At saka ang Petronas sa kanilang paggawa ng LPG. Granix ay tagagawa ng oil. At ang huli ang Global Steel Corporation na kilala noon na National Steel Corporation na tagagawa ng bakal. Kahangahanga talaga ang paraiso na ito hindi ba?
                                       So, kayo! Ano ba ang hinahanap niyong paraiso? Hehehe. Halina! Tuloy sa paraiso ng Iligan at iabot niyo sa mundo....

No comments:

Post a Comment