Monday, October 10, 2011

Biyayang Pugad ng Agos at Mapayapang Kalikasan
Ni Jesalyn Lucero Pepito
“Lumabas lang ako upang maglakad at hanggang ako’y nakapagdesisyon na umalis pagkatapos ng paglubog ng sikat ng araw. Sa aking pag-alis, namalayan ko ang aking sarili na nakatayo pa rin at naaaliw sa simple pero may nakatagong hiwagang tanawin”. Gusto kung makadiskubre kaya sabay tayo?
Mula sa tuktok ng isa sa tanyag na bundok ng lungsod ang Bundok ng Agad-agad na dinadayo at ginawang ding adbentura ng mga tao, malapit sa sakahan ng aking Lolo ay tanaw ko ang kasimplehan at kapayapaan ng lungsod sa ibabang dayo. Mula sa ibaba nilibot ko ang aking paningin. Abot-tingin ko ang pagdudugtong ng dagat at langit at naisip ko parang pugad ng ibon ang lungsod na ito kasi napapalibutan ng berdeng kabundukan na nagpoprotekta sa anumang pag-atake ng bagyo at anumang masamang panahon. Pero may hindi pa pala ako nalalaman maliban sa biyayang kagandahan doon na aking natatanaw???
Kabila sa pagiging simple ng Lungsod ng Iligan ay matatagpuan ang iba’t-ibang pangtouristang tanawin at pasyalan na parang sisiw ng ibon na tumatawag, nanghahalina at umaawit ng nakakabighani. Kung dahil sa init ng panahon o summer andoon ang mga parke na nag-aantay na may malalabong dahon ng kahoy na handa kang protektahan sa init ng panahon  isa na rito ang mga Parke ng Centenial, Anahaw Amphi Theater ng City Hall at Maze Park & Resort na madalas pinapasyaalan ng pamilya at magkapareha. Ang lugarr na ito ay tanyag din bilang industriyalisadong lungsod na naging pinagmulan ng trabaho. Hindi lang ito sa pang-industriya kundi ang nakapaligid dito ay  pwede na rin maging pook pasyalan. May mga paliguan din na inaagusan ng malalamig at preskong tubig ang Swimming Pools tulad ng Timoga sa may Brgy. Buru-un at Taytay na may pangbata at pangmatanda sa pinakamurang Entrace Fee lamang. Ang sarap magtampisaw doon at hindi lang iyan pwede ding magkuha ng mga larawan sa mga magagandang anyo ng rebolto. May mga baybaying dagat din na nangangaway ang alon at langhap mo ang preskong hangin upang maligo sa maginaw na tubig tulad ng Adam at Eve ng Samburun, Iligan City at baybayin ng Bucana na maganda ring lugar para magpiknik kasabay ang pamilya o kaibigan man. Gusto mo din bang manood ng klase-klaseng sayawan ito ay ang pinagmamalaking sayaw ng ating kapatid na Muslim ang kanilang “Muslim Ethnic Dance’ na puno ng palamuti at kasuotang Muslim na makukulay at hindi rin patatalo ang ating kristiyanong kapatid sa kanilang talento sa pagsasayaw lalo na sa nalalapit na kapestahan ng mahal na patron ng Iligan.
Ngunit ang pinakanagpapatanyag ng lugar na ito ay ang mga talon at nagbibigay sa ibang katawagan ng Lungsod ng Iligan bilang “City of Majestic Waterfalls” ay ang mga talon na umaabot sa mahigit dalawampu na nakapalibot sa lungsod at naging gamit o pinagmulan ng elektrisidad ng Lungsod ng Iligan. Isa na rito ang talon ng Maria Cristina na naging palatandaan sa pangalan ng Lungosd ng Iligan o naging Landmark na nagmumula sa malakas ng agos ng Ilog Agus. Kabilang pa dito  ang Talon ng Tinago o “Hidden Falls” dahil ito ay napapalibutan ng mga nagtataasang puno na magandang pagkukunan ng mga photograpiya o larawan. Ilan pa sa mga talon ay ang talon ng Mimbalut, Abaga, Dodiongan at marami pang iba.
Hindi lang iyan kung gusto mong mag-shopping o mamimili ng pambaon sa paglalakbay andoon ang Gaisano City Super Mall, Old Gaisano, Unicity, Trendline Iligan at Unitop . Hindi ka rin mahihirapan sa iyong matutulugan pagpunta mo sa aming lugar kasi andito ang malalaking hotel tulad ng Elena Tower Inn, Maria Cristina, Cheradel at iba pa sa murang renta.
Kung gusto din ninyo ng adbentura tulad ng “Mountain Climbing” ay andito ang mga kabundukan ng Bundok Agad-agad na aking kinatatayuan ngayon at Bundok Gabunan ng Rogongon at mga kweba tulad ng Tabunan ng Brgy. Dalipuga at kweba ng bunawan. Kung gusto ninyo rin ng Golf-Course na nagsisilbi rin parang parke dahil sa mga puno ay matatagpuan sa Brgy. ng Tipanoy kung saan ginaganap ang mga Local Tournament. Kapag ikaw naman ay umakyat sa bundok ng Tipanoy ay makikita mo roon ang mga matataba at mahalimuyak na mga bulaklak na magandang pambigay sa iyong kapartner, kaibigan at pamilya.Hindi lamang mga bulaklak kundi ang mga preskong gulay at prutas na maganda para sa ating katawan.
Kabila sa magagandang pook pasyalan ay nandoon din ang produktong Iliganon na nagpapagana sa kainan at salu-saluhan tulad ng Sukang Pinakurat at malulutong na letsong baboy ng Lungsod ng Iligan na ipinagdiriwang na din sa buwan ng Septyembre kasabay ng Diyande festival ng kapistahan ng mahal na patron.
Sa lahat-lahat ng magaganda at biyaya ng Ating Panginoon na isa sa pinagmamalaki ng Lungsod ay ang pagkakasunduan at pagkakaisa ng lahat ng taong nanirahan doon anumang epiko ka nanggagaling at ang mainit at maalaga na pagtanggap ng mga kaibigan o dayuhan sa aming lungsod. Makikita iyan sa pagkakaisa lalo na sa panahon ng kapestahan ni Sr. San Miguel. Wala paman ang pagsapit ng kapestahan may iba’t-iba na ang programang ginaganap tulad ng Mugna na para na ring Disneyland ng Honkong na may nakakaaliw na mga sasakyan. Nagkasundo-sundo ang mga tao dito at nagtutulungan. Ito ang Lungsod ng Iligan matatagpuan sa dapit ng Northern Mindanao ng Pilipinas.
Para sa akin wala ng makakahigit pa sa Lungsod Ng Iligan o City of Majestic Waterfalls bilang dayuhan o pook pasyalan. Dahil maipagmamalaki kung ireprsenta dahil sa makamura, nakatipid ka pa ay masusulit at hindi mo pa makakalimutan ang iyong experience sa pagbisita ng aming lugar. Kayo ano pa ang inihihintay ninyo? Silipin niyo rin ang nakatagong kagandahan ng lungsod ng Iligan at dalawin ang nanghihikayat na sisiw ng ibon sa loob ng pugad.

Ito na nga ang pinakahihintay ko na aming makikita mula sa pinakatuktok na bundok na malayang masilayan namin ang nakakaabang na pangyayari.Langhap ko pa ang kapreskuhan dito at kapayapaan.Paglubog ng araw ay nakita namin ang buong kapaligiran na dahan-dahang lumiwanag sa kagandahan.
Halina kayo sa Lungsod ng Iligan!!!







No comments:

Post a Comment