Monday, October 10, 2011

Silip Tayo sa Iligan
Ni: Omega Rae Vaflor


                        Halina kayo at isa isahin nating tuklasin ang nakatagong ganda ng lungsod ng Iligan. Marami na tayong narinig tungkol sa lungsod na ito pero ang tanong, nakaapak na ba kayo sa lupaing ito? Kaya kung ako sa inyo pag-uukulan ko ito ng pansin. Ang lungsod ng Iligan kasi ay parang seasonings na nagpapasarap sa buhay ng isang tao. Bakit nagpapasarap? Nakakaintriga ano? Kaya ating sulyapan ang ganda nito para hindi kayo masindak sa inip pero bago ‘yan bibigyan ko kayo ng salaysay kung ano talaga ang Iligan at ano ang meron dito.
                        Ang lungsod ng Iligan ay tinataguriang Industrial Center of the South and Majestic Waterfalls. Ito ay matatgpuan sa Rehiyon X – Northern Mindanao, Lanao del Norte Province. Ang lungsod ng Iligan ay binubuo ng 44 na barangay. Si Mayor Lawrence Lluch Cruz ay ang kasalukuyan na tagapamahala ng syudad. Ang kabuohang lawak nito ay 813.37 km2 (312 sq.mi) at may populasyon na 318,040 ayon sa 2007 census. Ang lungsod ng Iligan ay kilala sa iba’t ibang uri ng kultura katulad ng mga Maranao, Higaonon at mga pang naninirahan na galing sa iba’t ibang sulok ng bansa. Cebuano ang pangunahing wika na kanilang ginagamit at ang iba ay marunong din sa Tagalog, Maranao, Hiligaynon, Ilocano, Chavacano, at Waray. At halos lahat ay nakakaintindi ng wikang Ingles. Kung ang klima ng panahon ang ating pag-uusapan talagang maganda dito kasi bihira lang ito tamaan ng bagyo. Hindi katulad ng Luzon na binabaha talaga. Hindi ba nakakainganyo ang Iligan? Kaya ating babalikan ang kasaysayan ng Iligan at paano ito nagsimula. Ang iligan ay nagsimula sa Bayug at doon naninirahan ang mga mangayaw. Hindi naglaon nasakop ito ng mga dayuhan mula sa Visayas sa kaharian ng Panglao. Ang anak ng haring Pagbuaya na si Manook ay bininyagan na Pedro Manuel Manook. At sa Bayug doon nagsimula ang kristyanismo. Nang dahil sa kanilang taos pusong pananampalataya sa diyos at sa patron nilang si Saint Michael the Archangel ay nalampasan nila ang mga pagsubok ng buhay sa mga kamay ng mga mananakop. At sila ay lumipat ng tirahan mula sa Bayug papunta sa Iligan. Ang Iligan ay mula sa  Higaunon na salita na “ilijan” na ang ibig sabihin ay “fortress of defense” mula sa mga masasamang loob. At tuwing ika-29 ng Setyembre ipinagdidiriwang ang kapistahan ng Lungsod ng Iligan ang Diyandi Fiestival. Sa pamamagitan ng sayaw ay inilalarawan kung paano tinalo ni Senor San Miguel ang mga masasama. At nalaman na natin ang kasaysayan ng Iligan, atin naming alamin ang nakatagong ganda nito.
                        Ang Iligan ay mayroong higit na 20 na talon. Ang Maria Cristina Falls ay ang pinakatanyag sa lahat at ito ang palatandaan sa lungsod ng Iligan. Ito ang pinakapangunahing pinagkukunan ng kuryente sa buong Mindanao. Alam ‘nyo ba kung bakit tinawag itong Maria Cristina Falls kasi noon daw si Maria at Cristina ay matalik na magkaibigan at pareho silang umibig sa isang lalaki at hindi iyon tanggap ang pangyayari kay nagpakatiwakal si Maria sa  talon at hindi nagtagal si Cristina ay sumunod rin. At dahil sa pangyayaring ‘yon pinangalan sa kanila ang talon, ang talon ng Maria Cristina hanging sa kasalukuyan. Ang Tinago Falls naman ay sikat sa kanilang 300-step staircase at hindi lang yan may magagandang natural landscapes at zoo na papaligiran ng mga kakahuyan na lalong nagpapamangha nito. Ang Mimbalut Falls naman ay dinadayo rin dahil sa ibang taglay na kagandahan nito. Ito ay napapaligiran ng mga malalaki at maliit na mga bato na nakaingganyong tignan. Iyong tatlong mga talon na nabanggit ay ang madalas na dinadayo kasi ‘yung iba ay nasa malalayo na at ang hirap ng puntahan. Kung sa paglalamigan naman ang pag-uusapan ang Timoga Springs pinakatanyag dahil kilala ito sa pinakamalamig, malinis at hindi chlorinated springs at mapapanginig talaga ang buo mong katawan sa ginaw. Sa barilan naman may Firing Range rin dito na matatagpuan sa Upper Pindugangan at katabi nito ang pinakamalaking golf course ng Iligan. At hindi rin dapat palalampasin ang tuktuk ng bundok Agad-agad. Dito ‘nyo masisilayan ang kabuohan ng lungsod ng Iligan. Habang umaakyat kayo may makikita rin kayong falls doon at parang 45 degrees ang angulo ng bundok at tiyak mahihirapan kayo lalo na sa mga matataba. Pagdating niyo sa tuktuk, mawawala lahat ang pagod ‘nyo dahil sa ganda ng Iligan at kapaligaran nito na hindi mababayaran ng salapi ang kasiyahan ‘nyo. At kung magdamagan kayo sa tuktuk lalo kayong mamangha sa ganda ng buwan at bituin na ang tangi ‘nyong panglaw sa gabi at mga alitaptap na nagsisipagliparan. Nakakamangha talaga ang ganda ng kalikasan kaya wag sana nating abusuhin. Dadaku tayo sa pasalubong ng bayan ang Chedding’s Peanut ang nangunguna  dahil sa lutong at sarap ng kanilang mani at mura pa. Hindi lang mani yong binibinta kundi may mga souvenir rin katulad ng tshirts, bracelets at iba pa. May night café rin taga biyernes at sabado ng gabi sa sentro ng lungsod Plaza kung tawagin. Sa night café nagtitinda sila ng mga damit, barbeque, lechon baboy at iba pa at sympre hindi rin mawawala ang inuman. Di ba ang saya sa Iligan? Sa simula sinabi ko na ang Lungsod ng Iligan ay industrial center kasi binubuo ito ng maraming planta. Isa rito ang Transco na tinatawag noon na National Power Corporation isa sila sa pinakamalaking distributor ng kuryente at sila ang nagpapailaw sa buong Mindanao. Ang Holcim at ICC ay kilala sa kanilang produkto na simento. Ang Pilmico naman ay kilala sa kanilang produkto na flour at producer feeds. Ang Petronas naman ay kilala sa paggawa ng LPG. Ang Granix ay tagagawa ng oil. Ang Global Steel Corporation na kilala noon na National Steel Corporation ay tagagawa ng mga bakal. Ang mga nabanggit na mga planta ay isa lang sila sa pinakakasikat na planta dito sa Iligan. Kahanghanga talaga ang lungsod dahil hindi lang gandaDiyandi Fiestival, nagaganap ito tuwing ika-29 ng Setyembre. Dinadayo talaga ito dahil sa popular na folk-dance ng mga Iliganon ang KASADYA (street dancing and merry making). Sa Kasadya, ipipakita rito ang iba’t ibang uri ng pamumuhay at ang pananampalataya nila sa diyos at kay Senor San Miguel na gumapi sa mga kasamaan. Ito ang pinakahighlight sa kapistahan ng Iligan kaya lahat ng tao inaabangan talaga ito. Sa kapistahan hindi mawawala ang fluvial parade sa karagatan, civic parade at sari’t saring aktibidad katulad ng night café na ginawang gabi-gabi. Ang Mugna ang sentro ng kalakalan tuwing kapistahan. Makikita ‘nyo dito ang mga iba’t ibang uri ng mga paninda mula sa halaman papunta sa kasuotan, mga kainan at inuman. May karnibal din na nakakasindak katulad ng ferries wheel, roller coaster, duyan, octopus, cable wire at ang pinkabago ang galleon. Ang saya talaga dito kapag sumapit ang kapistahan, lalo na buo ang pamilya. At kung Desembre naman ang sasapit ang Mugna ay mamapalitan ng Candy Wonderland. Makikita ‘nyo rito ang iba’t ibang uri nga disenyo ng mga belen at Christmas tree. Mapapahanga kayo sa mga abilidad ng mga barangay na binigyan talaga nila ng buhay ang kapaskuhan. Ang sarap talaga manirahan sa lungsod ng Iligan. Halos lahat ng panagngailingan ng tao ay andito. Ang kailangan lang ay sipag at tiyaga at hindi rin dapat mawala ang pananalig sa diyos. At isa pa ang lungsod rin ay tinaguriang tahanan ng mga top notcher sa iba’t ibang larangan ng propisyon kaya ito ay palago ng palago.
                        Ang saya talagang tuklasin ang nakatagong kagandahan ng lungsod ng Iligan. Pero mas lalo itong nakakabighani kung ito ay inyong sulyapan at kayo mismo ang tumuklas sa angking ganda nito. Ang pagdayo rito ay isang pangarap ng kayang abutin isang pitik ng kamay. Kaya huwag ng sayangin ang pagkakataon. Tayo na at ating silipin ang bonggang kislap nito.

1 comment:

  1. is this Omega Rae S. Vaflor? do you still remember me its Elfa

    ReplyDelete