Monday, October 10, 2011



                       Maling Akala


Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ng mga oras na yun. Nang huminto na sa pier ang barko na sinasakyan ko, na nasa Iligan City na talaga ako. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. Nandoon na yung takot, pangamba, ligaya pagkamagha dahil nandito ako sa isangbanyagang lugar. Sa pagtapak ko sa lugar ng Iligan Cty may napansin ako agad. Bakit parang busy ang mga tao rito. May naglalagay ng palamuti sa daan, may nagkakabit ng mga baretas, may mga kasiyahan, at makikita mo talaga sa mukha ng mga tao na lahat sila ay maligaya dahil sa nalalapit na kapistahan. Doon ko lang napagtanto ng Piyesta na pala sa lugar na ito. Nagtaka ako, ng tanungin ko ang aking pinsan kung kaailan talaga ang piyesta ang sabi niya 29 pa daw pero bakit may mga ganyan na – itnuro ko ang mga palamuti at bartas na nakita ko sa daan…. Tumawa siya sabay sabing, ganyan talaga rito “ rom” isang buwan kami magdiriwang ng kapistahan at inaalay namin yan sa aming Patron na si SR SAN MIGUEL at may sasabihin kang linya ganito “VIVA SR SAN MIGUEL VIVA!”………. WOW ang saya naman ….

Alam mo ba na ang lugar ng Iligan ay sikat dahil sa napapalibutan ito ng mga falls, narito ang tinago na matatagpuan sa Taytay, Buruun Iligan city…makikita rin sa Ditucalan ang Maria Cristina Falls at dito rin nanggaling ang kuryente….ito ang pinakasikat na talon sa iligan dahil sa angkin nito ang kakaibang ganda, pagnarating ka sa tabi ng talon mawawala nalang parang bula ang lahat ng problema at ang pangamba, ang maiiwan ay ang pagnanais mo pang bumalik sa lugar na ito, kaya nga tinawag ang Iligan bilang “CITY OF WATERFALLS”  mayroon din dito mga kuweba isa na diti ang Indang Cave, diti rin matatagpuan ang mga nag-gagandahan swimming pool, may holiday, delamar, lawis at maraming pang iba..

Ang street dancing yan din ang isa sa pinakahihintay ng mga  tao dahil diyan mo makikita ang mga nagagandahan at mga malikhain mga kasuotan at ang kanilang sayaw.






Andito rin sa Iligan ang sikat ng chedings peanut ang pinakamasarap na mani na kahit sino ay masasarap ta gaganahan ka talaga sa lasa nito.  Matatagpuan din dito ang comtenial o paarke ng iligan city. Napakaganda dito pwede kayo mag picnic o magpahinga dahil napakasariwa ng hangin at napakaganda ng tanawin. Makikita mo rin ang pinakamalaking at pinakamataas na flagpole. Makikita mo rin ang napakalawak ng karagatan. Masasabimo talaga na ang Iliam ay mayroong din likas na yaman na dapat pagyamanin ay siyempre dapat ipagyabang. Ang mga tao dito mababait at palakaibigan, talentado at mahusay umawit at magagaling sumayaw. Marami rin ang mga matatalino na nanggaling sa iba’t ibang paaralan. Sikat dito ang MSU-IIT(MINDANAO  STATE  UNIVERSITY- ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY). May malaking mall, napakagandang simbahan kung saan matatagpuan ang rebulto ni SR SAN MIGUEL, may malaki at maluwag na plaza, kung saan ginaganap ang lahat ng pagdiriwang at ang pinakabago ang Night Market kung saa parang Divisoria kung saan maraming kang mabibiling gamit, damit, laruan at pagkain siyempre mga inumin.
Pinakahihintay ng lahat ay ang mga local na banda\ mag-aawit. Sila kasi ang nagbibigay ng kasiyahan sabi nga ng isang sika ns komendyante na si “Vice Ganda ay Party- party” grabe nanakatuwa talaga .
Ang Mugna o divisoria ng Iligan na kung saan marami kang paglilibangan dito katulad ng mga iba’t igang rides..
Alam nyo ba na maganda din ang likas na yaman dito at maraming mga bundok at malilinis na ilog… sobrang mahal na mahal talaga ng Diyos ang Iligan kaya namin ito inaalagaan..
Akala ko talaga na pangit dito sa Iligan dahil nasa Mindanao ito kabilang… naririnig ko kasi na magulo dito at maraming rebelde. May kidnapped for ransom at iba ay pinapatay na walang dahilan kayat natatakot akong pumunta dito pero nagkamali pala ako ng akala…..sobrang ganda pala dito dahil maraming ako mga kaibigan at sobrang ganda ng mga pasyalan dito….kayat pumunta na kayo dito ay mag-enjoy kasama ng mga kaibigan ninyo….



Isinulat ni:
Gerome cancino

No comments:

Post a Comment