Monday, October 10, 2011

                                                      Tuklasin at Silipin ang Ganda nang Iligan City
                                                                  Ni: Analiza Macapil Telmoso

                                            Silipin natin ang nakatagong ganda nang iligan city.Alam ko na narinig na ninyo kung gaano ka ganda ang iligan city pero ang tanong. Naka punta na ba kayo sa lungsod na ito? Kaya ating tignan kung gaano ka ganda ang mga tanawin dito gusto kung e hatid sa inyo kung ano ang nasa lungsod na ito at kung bakit binabalikan ito nang mga tourista.  
                                            Ang lungsod nang iligan ay binubuo nang 44 na baranggay at may lawak ito na 813.37 at may populasyon na 318,040 na .Kung ang mga pinaka magagandang talon lang ang pag uusapan ......OpsSsSsSs ! ! ! hinga muna kayo nang malalim alam kung mababaliw at mamamangha kayo sa ganda nang mga talon na ito sa unang yapak mo palang mapapatalon ka na sa ganda bukod dito makikita mo ang mga magagandang bulaklak at mala bahagharing paro-paro na lumilipad sa mga bahagi dito at ito ang “Maria Cristina Falls”. 



                                                    

                                                At ang pangalawa ay ang “Tinago Falls” may 300 step staircase ito hindi pa lang kayo aabot sa 300 step staircase sa paglalakad niyo huhubog at gaganda na ang katawan niyo hahahah! ! ! pero sa sinabi kung gaganda at huhubog ang inyong katawan alam kung hindi niyo na papalampasin ang 300 step staircase sa talon na ito OpsSsSsSsSs! ! ! teka lang kaw ha gusto mo na kaagad patungo sa lungsod nang iligan  hehe...... pero tika lang balik na muna tayo sa mga tanawin dito sa talon na ito bukod sa 300 step staircase may landscape at zoo park pa rito na napapaligiran nang magagandang punong-kahoy na punong-puno nang mga kumikislap na kulay berde dahon 
                                               At ang pangatlo ay ang “Mimbalut Falls”. Ang mimbalut falls naman ay ang pangatlong dinadayo nang mga tourista dito sa lungsod nang iligan  makikita dito ang mga malalaki at maliit na bato.Sa mga talon na nabanggit ko ito ang mga talon na kadalasan pinupuntahan nang mga tourista may 20 talon na makikita dito sa lungsod nang iligan.
                                               Nais ko rin ipaalam sa inyo na may malalamig din na spring na makikita dito sa lungsod nang iligan ito ay ang “Timoga Spring Pool”.nais ko ipaalam sa inyo na kung kayo ay makakaligo sa spring na ito sa unang hawak mo palang siguradong mapapanginig ka na sa lamig nito dahil bukod sa malamig malinis na malinis pa ang tubig dito. At kapag na abot niyo na ang tok-tok nang mt.agad-agad mapapa-indak kayo sa tuwa dahil sa parang nasa langit kana makikita mo pa ang buong lungsod nang iligan city na napaka ganda dahil sa mga magaganda tanawin dito. 
Marami rin mga restaurant na makikita dito sa iligan city masasarap na pagkain ang makikita dito sa Kusina Iliganon at Gazpachos restaurant  at syempre ang masarap na handa nilang fried chicken na paborito nang mga bata at syempre paborito ko ang Jollibee at meron din Mc Donald at red riboon. At kung gusto mong mag paka lasing hehehe may bar din kami na sikat dito ang Twilight, El Centro  at  Kyla’s Bistro. At kung gusto mong kumain na ang gamit ay kamay lang subukan mong pumasok at tumikim sa masasarap na ulam sa “INASAL” siguradong  mapapalundag ka sa sarap.
                                At hindi lang mga talon, spring at magaganda restaurant  ang makikita niyo dito sa lungsod nang iligan.Pag nakita niyo na ang aming malaking parke tiyak na babalik- balikan niyo ito sa pagkuha nang mga litrato dahil sa angking ganda dito sa lugar na ito.
                                      Marami rin planta na naka tirik dito sa lungsod nang iligan isa na dito ang pinag-tatrabahoan nang aking ama ang “Fel-Eslon” gumagawa ito nang mga tubo malalaki man o maliit ang sukat nito.Ang “ICC at Holcim” na gumagawa nang produkto semEnto dito sa lungsod nang iligan.Ang “National Steel Corporation” na tagagawa nang mga bakal at ang Pilmico na ang gumagawa nang produktong flour.                                      
                                                                                                                                                                                                                         
                                      Kaya kung ako sa inyo punta na at silipin ang  lungsod nang iligan para matuklasan niyo kung gaano ka ganda ang lungsod na ito  at matikman niyo ang init at lamig sa araw nang iyong pag lilibot  siguradong hindi na kayo uuwi at malilimutan niyo na kung saan kayo nang galing dahil sa ganda at sa mahalimuyak na hangin hatid nang mga magagandang tanawin dito sa lungsod nang iligan. 

                                              So....kayo ano pa hinahanap niyo tara na  Tuklasin at Silipin ang Ganda nang Iligan City.

No comments:

Post a Comment